^

Probinsiya

Grade 4 ni-rape slay sa pinyahan, suspek utas sa pulis!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay na at pinaniniwalaang ginahasa pa ang isang  Grade 4 pupil nang matagpuan sa taniman ng pinya kama­kalawa sa Tupi, South Cotabato.

Kasabay nito, napatay naman ng mga pulis ang 44-anyos na suspek na huling nakitang kasama ang 10-anyos na baba­eng biktima.

Batay sa ulat ng pulisya, huling nakita ang biktima dakong alas-5 ng hapon habang naglalakad pauwi galing sa eskuwelahan nitong Biyernes.

Ayon kay Tupi Police deputy chief PLt. Richard Ho, sinundo ng kanyang ama ang biktima sa paaralan subalit sinabihan ng guwardiya na nakauwi na ang bata kaya umuwi na rin ang ama.

Bandang alas-5 ng hapon ay hindi pa rin dumarating ang anak hanggang sa magha-hatinggabi na ay wala pa rin kaya nag-alala na ang kanyang ama.

Dito na nagsimulang hanapin ng kanyang pamilya ang nene hanggang sa matagpuan sa isang creek, sa taniman ng pinya at may sugat sa mukha.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, isang lalaki ang itinuturo ng mga saksi na nakita nilang kasa-kasama ang biktima.

Bunsod nito, kinuha ng mga pulis sa kanilang himpilan para sa pagtatanong ang sinasabing lalaki na naispatan din sa may pinyahan.

“Kapag iba ang magtanong sa kanya, iba ang kanyang sagot. Hindi consistent yung sagot. Bakit andun siya sa isolated place na ‘yun? Hindi naman siya (suspek) worker doon sa pinyahan,” ani Ho.

Gayunman, habang kinukunan umano ng fingerprint sa presinto ang suspek, inagaw umano nito ang service firearm ng isa sa mga pulis.

Pero bago pa niya ito naiputok ay binaril na siya sa ulo ng isa pang pulis. Dead-on-arrival sa ospital ang suspek.

Kaugnay nito, kinondena ng Department of Education (DepEd) ang pagpatay sa bata at nakiramay sila sa kanyang naiwang pamilya. 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with