^

Probinsiya

7 drug suspect sa P145.5 milyong shabu operations, pumuga!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
7 drug suspect sa P145.5 milyong shabu operations, pumuga!
Ayon sa ulat, bumuo na ng tracker team ang PDEA-Regional Office 9 para tugisin ang mga pumugang persons deprived of liberty (PDLs) na kinilalang sina Wilson Indanan Sahiban;  Junjimar Hajili Aiyob, 29; Jimmy Angeles Sahibol, 30; Kerwin Mohammad Abdilla, 41; Albadir Mala Ajijul, 28; Muhajiran Romeo Jumlah, 27, at Amil Khan Mahadali Abubasar, 26-anyos.
STAR/File

PDEA-Region 9 naglunsad ng manhunt

MANILA, Philippines — Pitong drug suspect na inaresto sa itinutu­ring na pinakamalaking shabu operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 9, ang nakatakas sa jail facility sa Zamboanga City kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat, bumuo na ng tracker team ang PDEA-Regional Office 9 para tugisin ang mga pumugang persons deprived of liberty (PDLs) na kinilalang sina Wilson Indanan Sahiban;  Junjimar Hajili Aiyob, 29; Jimmy Angeles Sahibol, 30; Kerwin Mohammad Abdilla, 41; Albadir Mala Ajijul, 28; Muhajiran Romeo Jumlah, 27, at Amil Khan Mahadali Abubasar, 26-anyos.

Sa report ng PDEA, ang pitong nasabing preso ay nakatakas sa detention facility sa Upper Calarian, Zamboanga City, bandang alas-2:45 ng madaling araw nitong Lunes.

Nagulat na lamang umano ang mga duty na jail guard nang makitang iisa na lamang ang preso mula sa nasabing piitan.

Nakita naman ang isang maliit na butas sa kisame na umano’y dinaanan ng mga tumakas na bilanggo.

Ang pitong pugante ay kabilang sa mga drug suspects na naaresto sa itinuturing na pinakamalaking huli ng shabu sa kasaysayan PDEA sa Zamboanga Peninsula matapos silang makakumpiska ng 21.4 kilong shabu na nagkakahalaga ng P145.5 milyon nitong May 3.

Katuwang ng PDEA-9 sa malakihang buy-bust operation ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at PNP-Regional Office 9.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with