^

Pang Movies

Bea, kinopya raw ang galaw ni Julia

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bea, kinopya raw ang galaw ni Julia
Bea at Julia

Nagkabati na sina Bea Alonzo at Julia Barretto, pero ang casual fans, hindi pa rin makapag-move on. Gusto yatang nagba­bardagulan pa rin ang fans nila dahil pinagkumpara ang dalawa mula sa suot hanggang sa dance move.

Naunang nag-viral ang video ni Julia na sumasayaw habang tumutugtog ang Dancing Queen ng Abba. She was in a black dress at emote na emote na nagsasayaw.

Bea was also in a black dress and dancing to the same music nang dumalo sa homecoming shows ng drag performer na si Marina Summers sa isang bar sa Poblacion, Makati City. Sabi ng netizens, ginaya raw ni Bea ang dance move ni Julia pati ang OOTD nito.

Gusto yatang palabasin ng netizens na sinadya nito na gayahin ang outfit ni Julia na malayo nga. Ibig bang sabihin, tsinek muna ni Bea ang video ni Julia na sumasayaw para magaya ang OOTD nito? Ginaya raw ni Bea ang Dancing Queen moves ni Julia.

Anyway, kasama ni Bea sa homecoming show ni Marina Summers sina Sarah Lahbati, Kyline Alcantara at Heart Evangelista.

Jillian, ninerbyos sa ginawa nila ni Ruru!

Nag-taping na last Monday si Jillian Ward para sa crossover guesting niya sa Black Rider at tama ang hinala ng viewers, gagamutin nga ni Jillian bilang si Doc Analyn si Elias (Ruru Madrid). Hindi nga lang naikuwento ni Jillian at ni Ruru kung ano ang nangyari at nagkrus ang kanilang landas.

Kuwento ni Jillian, ninerbyos siya dahil noon lang uli siya nakasakay sa motor dahil ang eksena, angkas siya ni Ruru. Nanibago rin siya dahil for a long time, sa ospital ang mga eksena niya sa Abot Kamay Ang Pangarap. Tapos bigla siyang lalabas ng ospital at may barilan pa sa mga eksena.

Ayon naman kay Ruru, nag-ingat siya sa pagpapatakbo ng motor dahil nakasalalay sa kanya ang buhay ni Jillian. Later on, binilisan niya ng konti ang pagpapatakbo para raw masanay ito.

Hindi pa nabanggit kung kailan ang airing ng episode na nag-crossover ni Jillian sa BR, ang sabi lang ni Ruru, magsisimula sa AKNP ang eksena at saka lilipat sa BR. Ang mangyayari, sa BR lang mapapanood ang crossover niya at hindi sa AKNP.

Gazini, sumunod kina Rabiya at Michelle

Sparkle artist na rin pala ang beauty queen na si Gazini Ganados dahil pagkatapos ng Sparkle Prime Workshop, pumirma na ng kontrata sa Sparkle si Misss Universe Philippines 2019. Winelcome si Gazini ng Kapuso fans at hihintayin daw nila ang mga gagawin nitong project sa GMA 7.

Sabi ng Kapuso fans, tila nasa GMA Network ang bagsak ng mga beauty queen dahil nauna nang pumirma ng kontrata sa Sparkle ay sina Rabiya Mateo (Miss Universe Philippines 2020), Beatrice Luigi Gomez (2021), Celeste Cortesi (2022) at Michelle Dee (2023).

Of course, si Michelle ay isa nang Kapuso bago pa siya sumali sa beauty pageant at manalo. Si Rabiya naman ay ilang taon na ring Kapuso at si Celeste ang pinakabagong Kapuso at kasama nga siya sa cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

May mga suggestion na gawin ng GMA 7 ang mala-Working Girls na project o ‘di kaya mala-Temptation Island.

vuukle comment

BEA ALONZO

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with