^

Pang Movies

Jake Cuenca, gaganap na Gringo Honasan?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jake Cuenca, gaganap na Gringo Honasan?!
Jake Cuenca

Isasapelikula ang makulay na buhay ni former Senator Gringo Honasan.

Yup you read it right.

At ang magiging title nito - Gringo : The Greg Honasan Story.

Pero wala pang napipiling gaganap na Gringo, ayon mismo sa pulitiko.

Kasalukuyan pang sinusulat ni Eric Ramos ang script nito.

Isa ang dating pulitiko sa pinaka-colorful ang personal and political career.

Ang dating senador at Information Secretary na isang retiradong sundalo na gumanap ng mahalagang papel sa 1986 People Power Revolution na nagpatalsik sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos ay sumali sa senatorial slate ng anak ni now President Bongbong Marcos. Pero hindi siya nanalo at maaga siya noong nag-concede.

Naging aide-de-camp ni former senator Juan Ponce Enrile noong may batas militar, at naging miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM).

Nagtago rin siya – sa ilalim ng mga administrasyon nina Cory Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo.

Inaresto rin siya ng Constabulary matapos ang kudeta noong Agosto 1987 sa isang bahay sa Valle Verde, Pasig.

At siya ay nakulong sa isang barkong nakadaong sa Manila Bay ngunit nakatakas din sa kalaunan.

Sa barkong iyon ipinaglihi ng kanyang asawa ang kanilang ika-5 anak.

Tumakbo rin siyang vice president noong 2016, sa ticket ni Jejomar Binay, pero pareho silang natalo.

Ilan lang ‘yan sa kumbaga ay bahagi ng buhay ng pulitiko.

Ang Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio ang producer ng Gringo : The Greg Honasan Story.

Ang bulong, malamang na si Jake Cuenca na ang gaganap na Gringo.

Kaya ba ni Jake? Magbabago ba siya ng boses sakaling magbida siya rito. Tulad sa mga iba niyang ginagawa? Wala pa ring sinasabing director ang dating senador at Atty. Topacio sa isang media annoucement na ginanap kahapon.

Angel, hindi pa rin humahawak ng cellphone

Inulit ni Dimples Romana na hindi hiwalay ang mag-asawang Neil Arce at Angel Locsin. Matagal nang hindi nagpaparamdam sa social media si Angel.

In fact, sa isang previous inteview namin, sinabi ni Dimple na hindi na humahawak ng cell phone si Angel.

Detoxified na raw ito sa social media at walang sinasagot kahit sinong mga naghahanap sa kanya. “Happy siya. I get to see her anytime. She doesn’t hold her phone. She doesn’t reply to anybody. I’m sure kahit kay Neil (Arce) din, ewan ko ha,” umpisa ni Dimples na ibig sabihin ay siya lang ang kinakausap ng kaibigan.

Kaya tinanong namin siya kung ‘di ba kasama ni Angel ang mister? “She has detoxified herself from social media and so alam mo ang galing niya eh. Kasi for the longest time she’s been under that magnifying glass. Naisip ko ‘oo nga ‘no?”

Pero andito nga lang daw ang kanyang kaibigan sa Pilipinas.

“I saw her, she felt very light. Nagkukulitan kami. Kumain kami together. Nakikita niya ang mga bata kasi ‘pag dinadala ko ‘yung kids. I’m very happy with how she’s living her life. She’s showing a lot of people that ‘ok, we make choices, and this is my choice. This makes me happy, and you don’t all have to know about it.”

Nabanggit nga ni Dimples sa recent interview, sa event ng Mang Inasal National Halo-Halo Blowout that gave away ?20 discount for Extra Creamy Halo-Halo Small Size, na nakikita niya ang actress at maligaya raw talaga ito sa married niya.

Pero ba’t kaya iniintriga si Angel na diumano ay may nilapitan itong kaibigan para manghiram ng pera?

Parang anlabo naman nun.

Anyway, sinabi pa ni Dimples sa event ng Mang Inasal “I can only wish that Angel will return because she’s super much-awaited all the time. I know that the boss and being off-line and missing an act on social media has done very well. She’s so light hearted and you just feel that she’s very very happy so once na mag-decide siya at pinagdadasal natin yun ma malapit na yun.”

Lumpia Queen napansin sa Webby Awards

In an exhilarating nod to the Philippines’ vibrant culinary scene, si Abi Marquez, na nakilalang Lumpia Queen, ay napansin at nominado sa prestigious 28th Annual Webby Awards under the Social - Food and Drink category.

Ang nominasyon—isa umano sa limang kategorya nito at pinili mula sa 13,000 proyektong isinumite mula sa buong mundo—ay naglalagay sa kanya sa nangungunang 12% ng mga entry na isinumite.

Inilalagay din siya nito sa iginagalang na kumpanya kasama ng mga kilalang tao at entity tulad ng America’s Test Kitchen at Jennifer Garner.

Nangangahulugan din ito ng malaking kontribusyon ni Abi sa digital food community.

At just 23 years old, Marquez has captured the hearts and palates of millions worldwide with her delectable and innovative culinary creations, predominantly featuring the beloved Filipino dish, lumpia.

Her engaging content and authentic portrayal of Filipino cuisine ay nakakuha ng 3.3 million on TikTok, with her videos receiving over 1 billion views and 86 million likes.

Marquez’s rapid rise to social media stardom culminated in winning the TikTok Foodie Creator of the Year award in 2023, further cementing her status as a culinary influencer. Bago naging Lumpia Queen, Marquez was once upon a time a Hotel Restaurant and Institution Management (HRIM) student who utilized content creation as her practicum.

She has been a talent of NYMA, the artist management arm of Kroma Entertainment, since 2023.

Inaanyayahan nila ang lahat na samahan sila sa napakahalagang okasyong ito sa pamamagitan ng pagboto kay Abi Marquez sa Webby People’s Voice Awards.

vuukle comment

JAKE CUENCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with