^

PSN Palaro

Rivero at Juan GDL hindi muna sasalang sa PBA Rookie Draft

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan ang pag-entra ng mga collegiate basketball stars at ilang players para sa PBA Rookie Draft.

Subalit dalawang key players ang hindi lalahok sa edisyong ito ng rookie draft — sina Ricci Rivero at Juan Gomez de Liano.

Nagpasya si Rivero na hindi muna magsumite ng ap­likasyon sa taong ito dahil nais muna niyang ituon ang kanyang sarili sa kampanya ng University of the Philippines Fighting Maroons sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament.

Nasa finals na ang Fighting Maroons kalaban ang defending champion Ateneo Blue Eagles.

Nais ni Rivero na isentro ang kanyang atensyon sa target ng UP na makuha ang kampeonato sa liga.

May mga averages na 13.31 points, 4.38 rebounds, 2.25 assists at 1.44 steals si Rivero para sa kampanya ng Fighting Maroons sa UAAP.

Sa kabilang banda, dating miyembro naman ng UP squad si Gomez de Liano.

Nasilayan siya sa aksyon sa Japan B.League ka­sama ang Earthfriends Tokyo Z sa Division 2 at naglaro rin para sa CLS Knights.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with