^

PSN Palaro

Philippines rowers 3 ginto ang isasagwan sa Hanoi Games

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Philippine Rowing Association (PRA) na maduduplika ng mga national rowers ang sinagwan na tatlong gold medals noong 2019 sa pagsabak sa 31st SEA  Games sa Hanoi, Vietnam.

Sina Tokyo Olympian Cris Nievarez at Joanie Delgaco ang babandera sa 16-member national squad sa Vietnam SEA Games na nakatakda sa Mayo 12-23.

“Three golds in Subic. It will be tougher in Vietnam, but hopefully Cris Nievarez can retain his gold medal, and si Joanie Delgaco will also compete,” wika ni PRA president Patrick Gregorio.

Inangkin ni Nievarez ang gintong medalya sa men’s lightweight single sculls habang nagreyna sina Delgaco at ang nagretiro nang si Melcah Jen Caballero sa women’s lightweight double at lightweight single sculls, ayon sa pagkakasunod, noong 2019 Manila edition.

Kabuuang 16 events ang nakalatag sa rowing competition ng Vietnam SEAG.

CRIS NIEVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with