^

PSN Palaro

Kiefer, Lakestars yuko sa Brave Thunders

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Imbes na regalo ay kabiguan ang natanggap ni Kiefer Ravena sa kanyang ika-28 kaarawan kahapon.

Iginupo ng Kawasaki Brave Thunders si Ravena at ang Shiga Lakestars, 91-74, sa 2021-22 Japan B.League season kahapon sa Ukaruchan Arena.

Nagtala si Ravena ng 13 points mula sa masamang 6-of-13 fieldgoal shooting para sa ikatlong kabiguan ng Lakestars sa siyam na laro.

Pinamunuan naman ni naturalized center at dating PBA import Nick Fazekas ang Brave Thunders (6-2) sa kanyang 14 points, 8 rebounds at 5 assists.

Samantala, tinalo naman ni Bobby Ray Parks Jr. si Thirdy Ravena sa kanilang paghaharap sa 98-70 pagdurog ng Nagoya Diamond Dolphins sa San-En NeoPhoenix sa Toyohashi City General Gymnasium.

Nagtala si Parks ng 12 points para sa Dolphins (5-4) habang may 14 markers si Thirdy sa panig ng NeoPhoenix (3-6).

vuukle comment

BRAVE THUNDERS

KEIFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with