^

PSN Palaro

Magnolia, SMB semis na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Magnolia, SMB semis na
Pinatalsik ng Hotshots ang No. 6 Rain or Shine Elasto Painters, 96-86, at pinauwi ng Beermen ang No. 5 NorthPort Batang Pier, 100-95, para walisin ang kani-kanilang quarterfinals wars 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inangkin ng No. 3 Magnolia at No. 4 San Miguel ang dalawa pang semifinals ticket matapos sibakin ang kanilang mga karibal.

Pinatalsik ng Hotshots ang No. 6 Rain or Shine Elasto Painters, 96-86, at pinauwi ng Beermen ang No. 5 NorthPort Batang Pier, 100-95, para walisin ang kani-kanilang quarterfinals wars 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Lalabanan ng Magnolia sa best-of-seven semifinals series ang mananalo sa laro ng No. 2 Meralco at No. 7 NLEX ngayong alas-6 ng gabi.

Nagpasabog si Paul Lee ng 24 points para sa Hotshots at may 20 markers at 19 rebounds si Calvin Abueva.

“Last season hindi kami nakapasok, pero ngayon nakapasok kami sa semis,” wika ni Abueva. “Always focus lang kami kasi ang goal namin sa semis.”

Itinakda naman ng San Miguel ang semis showdown nila ng No. 1 TNT Tropang Giga, pinagbakasyon na ang No. 8 Barangay Ginebra, 84-71, noong Miyerkules.

Kumamada si CJ Perez ng 21 points sa pagtimon sa Beermen at may 17, 15, 12 at tig-11 markers sina Moala Tautuaa, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo, Terrence Romeo, Arwind Santos at Chris Ross, ayon sa pagkakasunod.

“Sa amin naman ibibigay lang namin iyong best effort sa game,” ani Perez. “Kilala naman natin ang TNT sa offense and defense, kaya kailangan naming paghandaan iyon.”

Pinangunahan ni Greg Slaughter ang NorthPort sa kanyang 27 points, 12 rebounds at 3 blocks, habang may 17, 14 at 12 markers sina rookie Jamie Malonzo, Sidney Onwubere at Robert Bolick, ayon sa pagkakasunod.

Naitayo ng Beermen ang 13-point lead, 74-61, sa huling 1:49 minuto ng third period matapos makadikit ang Batang Pier sa 59-64.

vuukle comment

MAGNOLIA

PBA

SAN MIGUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with