_ngayon
^
Hawks, Knicks swak sa playoffs
Nailusot ni Wizards star Russell Westbrook ang kanyang tira sa aksyong ito laban sa Hawks.
STAR/ File

Hawks, Knicks swak sa playoffs

(Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

NEW YORK — Hindi nakumpleto ni Washington Wizards guard Russell Westbrook ang kanya sanang ika-183 career triple-double habang inangkin ng Atlanta Hawks at New York Knicks ang playoff seat.

Sa Atlanta, tumapos si Westbrook na may 34 points, 15 assists at 5 rebounds sa 116-120 kabiguan ng Wizards na nagbigay sa Hawks ng playoff spot sa Eastern Conference.

Nabigo si Westbrook na maiposte ang kanyang pang-183 triple-double dalawang gabi matapos sirain ang record na 181 ni Oscar Robertson.

Umiskor si Trae Young ng 33 points para sa pagdagit ng Hawks (39-31) sa una nilang playoff seat matapos noong 2017.

Nalagay naman sa pa­nganib ang tsansa ng Wi­zards (32-38) na makasama  sa play-in tournament.

Sa Cleveland, nag­hulog si Kevin Love ng season-high 30 points sa 102-94 pagdaig ng sibak nang Cavaliers (22-48) sa Boston Celtics (35-35).

Ang pagkatalo ng Cel­tics, nalaglag sa play-in tournament, ang nagpasok sa New York Knicks (38-31) sa playoffs sa East bilang No. 6 team.

Ito ang unang pagkakataon na umabante ang Knicks sa playoffs matapos noong 2013.

Sa Salt Lake City, kumamada si Damian Lillard ng 30 points sa 105-98 tagumpay ng Portland Trail Blazers (41-29) sa Utah Jazz (50-20) at patibayin ang pag-asa sa playoff spot.

Sa Los Angeles, tumipa si Talen Horton-Tucker ng 23 points sa 124-122 pag-eskapo ng nagdedepensang Lakers (40-30) sa talsik nang Houston Rockets (16-54).

Sa New York, nagbalik sa aksyon si James Harden matapos ang 18-game absence at naglista ng 18 points at 11 assists sa 128-116 paggiba ng Brooklyn Nets (46-24) sa San Antonio Spurs (33-36).

Sa Dallas, may 33 points si Luka Doncic sa 125-107 pagpapatalsik ng Mavericks (41-29) sa New Orleans Pelicans (31-39).

WESTBROOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with