_ngayon
^

Tsukii handang-handa na sa Olympic qualifying

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi huminto si natio­nal karateka Junna Tsukii sa pag-eensayo sa hanga­ring makakolekta ng silya sa 2021 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan.

Sa paggiya ng isang karate world champion ay kasalukuyang nagsasanay si Tsukii, ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist, sa Serbia para sa preparasyon sa World Karate Championship sa Paris, France.

Nagmula si Tsukii sa pag-angkin sa gold medal ng female kumite -50 kilogram class sa nakaraang World Karate Federation (WKF) Premier League sa Lisbon, Portugal.

“I need to get a medal there. If I can get medal, I’m sure I can go to Olympics,” sabi ng Fil-Japanese karateka sa nasabing pinakahuling Olympic qualifying tournament na nakatakda sa Hunyo 11-13.

Tumaas ang 29-anyos na si Tsukii sa No. 8 sa world rankings ng female kumite -50 kilogram division dahil sa kanyang panalo sa nasabing Premier League sa Lisbon

Bukod kay Tsukii, tatarget din ng Olympic spot sina 2019 SEA Games gold medal winner Jamie Lim, Fil-American Joanne Orbon, Ivan Agustin, Shariff Afif, Alwyn Batican at Jason Macaalay.

2021 OLYMPIC GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with