Sotto tutok sa NBA dream
MANILA, Philippines — Alam ni Kai Sotto na matindi ang pagdaraanan nito bago maabot ang kanyang NBA dream.
Malaki na ang improvement ng 7-foot-2 cager — mula sa hubog ng kanyang pangangatawan hanggang sa liksi sa loob ng court.
Ngunit hindi pa kuntento si Sotto.
Alam nito na marami pa siyang dapat kaining bigas para lubos na maihanda ang kanyang sarili sa mas malaking kumpetisyong nais nitong lahukan.
“I think I really got better. I got more athletic, I’m better offensively because I’ve been here in the States for over a year. The competition I play is better so I think I really got better,” ani Sotto.
Mas matinding laban ang haharapin nito sa NBA.
Kaya naman todo-kayod si Sotto sa ensayo para makakuha ng malalim na karanasan para sa kanyang NBA dream.
“Going against the pros, playing with the pros is tough for me. But it’s going to be a lot tougher in the NBA so I better get used to it,” ani Sotto.
Madalas itong pinapaalalahanan ng kanyang ama na magpursige sa ensayo dahil malaki ang maitutulong nito sa oras na tumuntong ang kanyang paa sa court.
“I’m near but I think I’m still far behind. My dad always told me that I’m not good enough everyday. He always tells me to get better every single day because the competition in the NBA is not a joke. It’s full of the best players in the world,” ani Sotto.
Sa katunayan, No. 34 ito sa isang NBA Mock Draft ng mga basketball analysts — malayo sa puwesto ni Filipino-American Jalen Green na nasa No. 2 spot.
Nasa ikawalong puwesto naman si Jonathan Kumiga at ika-15 si Daishen Nix.
- Latest