^

PSN Palaro

Apela ni Ayo natanggap na ng UAAP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

May endorsement ng UST

MANILA, Philippines  — Mas lalong lumakas ang pag-asang magbabalik bilang men’s basketball head coach si Aldin Ayo sa University of Santo Tomas sa oras na matanggal ang indefinite ban nito.

Ito ay matapos pormal na i-endorso ng UST ang apela ni Ayo na maalis na ang indefinite ban na ipinataw ng UAAP Board of Trustees.

Natanggap na ng UAAP ang endorsement ng UST.

“The University Athletic Association of the Philippines (UAAP) has received a letter from University of Santo Tomas endorsing the appeal of basketball coach Aldin Ayo,” ayon sa statement ng UAAP.

Nakatakdang talakayin ng UAAP Board of Ma­naging Directors ang isinumiteng apela ni  Ayo na may kalakip na endorsement mula sa UST.

Magugunitang pinata­wan ng UAAP ng indefinite ban si Ayo matapos matuklasan ang “training bubble” na isinagawa nito sa Sorsogon kasama ang Growling Tigers.

Inilatag ang ban base sa rekomendasyon ng Board of Managing Directors na sinang-ayunan naman ng Board of Trustees matapos ang isinagawang imbestigasyon ng UST.

Nakapaloob sa indefinite ban na hindi maaaring lumahok si Ayo sa anumang aktibidad ng UAAP.

Nauna nang nagbitiw si Ayo bilang head coach ng UST kasama sina assistant coaches Jinino Manansala at McJour Luib noong nakaraang buwan.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with