^

PSN Palaro

Lady Spikers pinana ang Lady Eagles

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabagsak ng De La Salle University ang nagdedepensang Ateneo de Manila University, 25-17, 17-25, 25-17, 25-15, upang magarbong simulan ang kampanya nito sa UAAP Season 82 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Walo ang rookies sa lineup ng Lady Spikers.

Ngunit hindi nakitaan ng opening-game jitters ang La Salle matapos pamunuan nina open hitter Tin Tiamzon, middle blocker Aduke Ogunsaya, sophomore Jolina Dela Cruz at playmaker Michelle Cobb ang matikas na ratsada ng tropa para panain ang kanilang unang panalo.

Naglatag si Tiamzon ng all-around game nang magtala ito ng 17 puntos, 12 receptions at 11 digs.

Nagparamdam din sina rookies Baby Soreño at Thea Gagate para makatulong sa kanilang senior players.

Sa kabila ng nailistang  33 errors ay nagawang ma­kabangon ng La Salle matapos umiskor ng 53 sa attacks, malayo sa 33 hits ng Ateneo.

Liyamado rin ang Lady Spikers sa blocks (10-6) at aces (4-2).

Lumasap ng unang ka­biguan ang Lady Eagles matapos ang impresibong pa­nalo sa University of the Philippines sa kanilang ope­ning game noong Mi­yer­kules.

Sa unang laro, mabilis na napigilan ng UP ang pag­hahabol ng University of the East tungo sa 25-23, 25-20, 18-25, 25-17, upang sumampa sa win column.

Pumutok nang husto si dating Rookie of the Year Isa Molde nang magpasabog ito ng 24 puntos mula sa 18 attacks, apat na blocks at dalawang aces para hatakin ang Fighting Ma­roons sa 1-1 marka.

Nakatuwang ni Molde si Diana Mae Carlos na nagbaon ng 15 hits habang may tig-lima sina Lorie Bernardo at Maristela Layug at tig-apat naman sina team captain Roselyn Rosier at Rose Cailing.

Sa men’s division, namayani ang UE sa University of the Philippines, 25-11, 23-25, 25-20, 28-26, habang nanalo ang Ateneo sa La Salle, 25-20, 25-19, 27-25.

vuukle comment

LADY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with