^

PSN Palaro

Yee alanganin sa Game 1

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa sigurado kung makakapaglaro ang beteranong si Mark Yee para sa top seed Davao Occidental Tigers sa semifinal round ng Southern Division kontra sa No. 5 seed Zamboanga Family Sardines simula sa Lunes sa 2019-2020 MPBL-Chooks-to-Go Lakan Cup sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.

“Sa ngayon nakadepende kay coach Don Dulay  kung ipapasok niya ako. Pero kung ako, bahala na si God. Siya na bahala sa akin,” sabi ni Yee.

Ang 38-anyos na si Yee ay nagkaroon ng partial right ACL tear sa Game 2 ng best-of-three quarterfinal series laban sa Bicol Volcanoes pero pinilit pa rin niyang maglaro sa Game 3 kung saan nilampaso nila ang kalaban, 64-56, para tumuntong sa semis sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Si Yee na taga-Sagay City, Negros Occidental ay nag-averaged ng 14.7 puntos, 11.7 rebounds at 2.5 assists kada laro para sa Tigers sa Lakan Cup season kung saan nakuha nila ang top spot sa South group sa kanilang 26-4 win-loss record sa elimination round.

Malaki rin ang tulong ng 6’3 forward na si Yee sa nakaraang Datu Cup sa kanilang 2-0 panalo kontra sa Bacoor Stri­kers sa semis bago ang 2-1 panalo laban sa Batangas City sa best-of-three South Division Finals.

vuukle comment

MARK YEE

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with