Save Philippine Volleyball
ABYLIEVE - Aby Maraño (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2020 - 12:00am

Simula pa lang ng ta­on ay may makabagong pa­sabog na balita na kaagad ukol sa Philippine Volley­ball team ng bansa.

Noong nakaraang Linggo lang, ika-5 ng Ene­­ro, ay ibinalitang aktibo na muli ang Philippine Vol­ley­bal Federation (PVF) matapos ang limang taong pagkawala nito ngunit hindi pa rin ito recognized ng Philippine Olympic Comitte (POC) kaya naman wala pa rin kapangyarihan ang PVF na magpadala ng national team sa ibang kontinental na torneo.

Sinulit ko ang holidays kasama ng mga taong malalapit sa puso ko, ma­la­yo sa siyudad at iwas sa social media.

Ngunit laking gulat ko nang buksan ko ang aking social media dahil sa dami ng volleyball fans na nag­sa­sabi sa aking magsalita ako ukol sa isyu.

Tinatag kaming mga  man­lalaro ng #SavePhi­lippineVolleyball dahil kung hindi magkakaroon ng magandang komunikas­yon ang PVF at POC, ma­aaring hindi makalaro ang national team ngayong taon sa lahat ng nakailalim sa jurisdiction ng Asian Volleyball Confederation (AVC).

Limang taon nawalan ng kapangyarihan ang PVF na mag-manage ng volley­ball national team ngu­nit kumpirmado na itong ma­ging governing bo­dy ngayon ayon sa Inter­national Volleyball Fede­ration (FIVB).

Hanggang Enero 15, 2020 lang ang deadline ng POC para ma-reinstate ang PVF at kung hin­di ito matutupad bago ang deadline, maaaring ma-dis­qualify ang national teams na lalahok sa lahat ng AVC tournaments nga­yong 2020.

Kaya naman patuloy ang battle cry namin na ipag­laban ang nararapat pa­ra sa volleyball national team.

Ang sa akin lang, na­pakatagal ng isyu ito.

Maging kaming mga manlalaro ng volleyball ay litung-lito na kung sino ba talaga ang governing body na dapat nakapuwesto upang magpatakbo sa amin.

Napakateknikal ng mga argumento kaya wala kaming malinaw na kaalaman.

Ang magagawa lang namin siguro ngayon ay ma­nawagan na ayusin ng mga tamang tao ang sitwasyong ito, iyong mga may kapangyarihan na ayusin ang Philippine volleyball.

Hiling namin na simulan na ngayon ang pagbabago para sa ikabubuti ng future volleyball national athletes.

Ma-unify ang mga nag­­kawatak-watak na lea­ders dahil kung hindi mag­­tutulungan ay hindi na rin namin alam kung saan kami patungo. Saan mapupunta ang magagandang oportunidad na dapat sana ay matatamasa namin sa hinaharap.

PHILIPPINE VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with