^

PSN Palaro

Ilang SEA Games events baka ipagpaliban dahil sa bagyong 'Tisoy'

James Relativo - Philstar.com
Ilang SEA Games events baka ipagpaliban dahil sa bagyong 'Tisoy'
Sa kabila ng problema sa lagay ng panahon, inilinaw naman ni Suzara na hindi na ie-extend pa ang schedule ng mga laro.
The STAR/Ding Cervantes

MANILA, Philippines — Ibinahagi ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee  na handa silang ipagpaliban ang ilang paligsahan para sa 2019 Southeast Asian Games habang tumitindi ang banta ng Typhoon Tisoy.

Kaninang alas-onse ng umaga, itinaas na ng PAGASA ang Signal No. 1, 2 at 3 sa iba't ibang bahagi ng bansa dulot ng sama ng panahon.

Tinatayang tatama sa kalupaan ng Kabikulan ang typhoon ngayong gabi o bukas ng umaga.

"Kung malakas talaga [ang ulan], kailangan nating ikansela ang ilang laban o ipagpaliban ang mga ito. Anu't ano pa man, naisaayos na ang lahat," sabi ni PHISGOC chief operating officer Ramon Suzara sa isang press briefing, Lunes, sa Inggles.

Pero pagtitiyak ni Suzara, matagal nang nakapaghanda ng mga contingency plans: "May operating policy para sa lahat ng competition at venue managers, kasama na ang technical delegates kung magkakabagyo, kanselasyon o delays," sabi niya pa.

Sa kabila ng problema sa lagay ng panahon, inilinaw naman ni Suzara na hindi na ie-extend pa ang schedule ng mga laro.

"Walang extension. Laging may solusyon ang mga technical delegates at maaaring kausapin ang lahat ng kalahok na koponan pagdating sa posibleng realignment ng competition format," wika pa ni Suzara.

Matatandaang nagsimula ang SEA Games noong Sabado sa Philippine Arena at magtatagal ang mga palaro hanggang ika-11 ng Disyembre.

Una na ring ini-reschedule ang wind surfing events na nakatakda sanang gawin sa Subic Bay Yacht Club noong Linggo. — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

PHISGOC

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TISOY

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with