Biado-De Luna duo kinapos
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2019 - 12:00am

2019 World Cup of Pool

MANILA, Philippines — Nagkasya sina dating world champion Carlo Biado at Jeff De Luna sa runner-up honors sa prestihiyosong 2019 World Cup of Pool na ginanap sa Morningside Arena sa Leicester.

Hindi umubra ang pinag-sanib na puwersa nina Biado at De Luna laban kina Albin Ouschan at Mario He ng Austria para lumasap ng 3-11 kabiguan sa championship round.

Gayunpaman, hindi uuwing luhaan sina Biado at De Luna dahil mag-uuwi ito ng $30,000 konsolasyon habang napasakamay nina Ouschan at He ang  $60,000 premyo.

Dikitan ang simula ng laban nang magsalitan ang Pilipinas at Austria sa unang apat na racks para sa 2-2 pagtatabla.

Sinamantala nina Ouschan at He ang ilang krusyal na mintis nina Biado at De Luna para unti-unting makalayo sa 6-2.

Nagawang makalapit ng Pilipinas sa 3-6 matapos ang 5-9 combo ni Biado sa ninth rack.

Subalit muling umarangkada sina Ouschan at He sa mga sumunod na racks nang irehistro nito ang 5-0 run para tuluyang makuha ang panalo.

CARLO BIADO JEFF DE LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with