^

PSN Palaro

Imus hinataw ika-2 sunod sa MPVA

Pilipino Star Ngayon
Imus hinataw ika-2 sunod sa MPVA
Hinatawan ni Joshua Rodriguez ng Imus City ang depensa ng San Pedro City sa MPVA men’s division.
MPVA photo

MANILA, Philippines — Winalis ng Imus City ang San Pedro City, 25-19, 25-15, 25-17, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa inaugural Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) men’s division kamakalawa sa Pasay Astrodome.

Tinapos ng Arsenal Maplecrest ang Mamba sa lo­ob ng 96 minuto para samahan ang mga unbeaten squads Dasmariñas City at Pasay-Philippine Air Force sa top spot ng ligang inihahandog ng Strong Group Athletics.

Pumalo si Jau Umandal ng 11 points para banderahan ang Imus City.

Nagdagdag si Marc Paulino ng siyam na puntos at may tig-walong marka sina Charles Pallasa at Christian Olaes para sa Ar­senal Maplecrest.

Laglag ang Mamba sa kanilang ikaapat na dikit na kamalasan.

Samantala, niresbakan ng Pasay-Air Force ang Biñan City-Tatak Gel, 19-25, 25-22, 25-16, 25-21, para sa kanilang 2-0 record sa tor­neong suportado ng Asics, Mikasa at Sports and Play.

Humataw si Herald Domingo ng 18 points para pa­munuan ang Voyagers na nakahugot kay Darwin Sa­lopaso ng 17 markers.

Bagsak ang Biñan sa 2-2 baraha bagama’t nakahugot kay Maruen Aguelo ng 17 points.

Sa iba pang laro, dinaig ng Dasmariñas City ang City of Santa Rosa, 25-22, 25-19, 20-25, 25-17, para sa kanilang 2-0 baraha.

Pumalo si Lan Carlo Agatep ng 18 points para pamunuan ang panalo ng Monarchs.

MPVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with