^

PSN Palaro

Walang kukurap! Petron, F2 Logistics unahan sa titulo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Walang kukurap!  Petron, F2 Logistics unahan sa titulo
Swak sa depensa nina Katherine Bell at Mika Reyes ng Petron ang kill ni MJ Perez ng F2 Logistics.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng Petron at F2 Logistics ang kampeonato sa paglarga ng Game 3 ng Philippine Superliga Grand Prix best-of-three finals series nga­yong gabi sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Blaze Spikers at Cargo Movers sa alas-7 ng gabi.

Nauwi sa 1-1 pagtatabla ang serye. Wagi ang F2 Logistics sa Game 1 matapos iselyo ang 25-20, 16-25, 25-23, 25-23 panalo noong Martes bago nakaresbak ang Petron bunsod ng 23-25, 25-23, 25-14, 25-19 pananaig sa Game 2.

“We accepted Game 1 as a challenge. It was a wakeup call. After losing in Game 1, we had an open forum where we allowed everybody to express their feelings,” ani Petron coach Shaq Delos Santos.

Bumandera para sa Blaze Spikers sina Ame­rican super imports K­atherine Bell at Stephanie Niemer para tulungan ang koponan sa Game 2 win.

Rumatsada si Bell ng 25 puntos at 24 digs habang nagtala naman si Niemer ng 23 hits at 20 digs.

Malaki rin ang naitulong ng local players partikular na si Mika Reyes na kumana ng 13 puntos tampok ang apat na blocks at sina Aiza Maizo-Pontillas at Remy Palma na may pinagsamang 11 markers, at Rhea Dimaculangan na nagrehistro ng 29 excellent sets.

Mas solidong game plan ang ilalatag ng Petron para masigurong hindi makawala sa kanilang kamay ang kampeonato.

Isa sa mga tututukan nito ang mabagal na simula ng Blaze Spikers.

Ngunit hindi basta-basta susuko ang Cargo Mo­vers na desididong maibalik sa kanilang teritoryo ang korona.

Palaban ang bataan ni F2 Logistics mentor Ramil de Jesus lalo pang armado ito ng dalawang MVPs sa ngalan nina Lindsay Stalzer at MJ Perez.

Gumawa si Perez ng 24 puntos habang 21 mar­kers naman ang nailista ni Stalzer sa Game 2. May tig-walo sina Ara Galang at Majoy Baron.  

vuukle comment

F2 LOGISTICS

PETRON

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with