Hinatawan ni Aby Maraño ng F2 Logistics sina Grethcel Soltones at Joyce Sta. Rita ng PLDT.
Joey Mendoza
F2 Logistics puro na
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

Laro Bukas  (The Arena)

4:15pm Petron vs Cignal HD

7pm F2 Logistics vs PLDT

MANILA, Philippines — Mabilis na nasawata ng F2 Logistics ang PLDT Home Fibr matapos itarak ang 25-14, 18-25, 25-16, 25-22 desisyon para makalapit sa inaasam na finals slot sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bumandera si reigning MVP Lindsay Stalzer na humampas ng 23 attacks tampok ang tatlong huling puntos ng Cargo Movers upang makuha ang 1-0 abante sa best-of-three semifinal series.

Maliban sa attacks, nakagawa rin ang American outside hitter ng tatlong aces at dalawang blocks para pamunuan ang Cargo Movers sa panalo.

“We knew PLDT was gonna be a strong team, they beat us once before in regular season so we started them hard we knew we need to serve tough to keep them out of the system. That’s what we did, we practice of serves this week and I think it showed tonight,” wika ni Stalzer.

Nagbigay naman ng solidong laro si Vene­zuelan MJ Perez na kumana ng kaliwa’t kanang atake para suportahan si Stalzer sa opensa gayundin sina middle hitter Aby Maraño at opposite spiker Ara Galang.

Makailang ulit tinutukan ni Cargo Movers mentor Ramil coach si playmaker Alex Cabanos na tila na­nga­ngapa pa rin sa kanyang role bilang starting setter.

Subalit nagawa pa rin nitong mabigyan ng magagandang sets ang Cargo Movers dahilan upang makalikom ito ng 59 attacks kumpara sa 53 ng Power Hitters.

Matibay din ang depensa ng F2 Logistics sa net para makakuha ng 8-3 edge sa blocking habang matatalim ang serves ng tropa upang makapagre­histro ng pitong aces.

Gayunpaman, nais ni Stalzer nang mas solidong laro partikular na sa b­lockings.

Inaasahang tututukan din ng F2 Logistics ang 20 errors na nagawa nito. 

2 LOGISTICS 2019 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with