TNT katropa pasok na sa qâfinals
Pilit na sinusundot ni Jeron Teng ng Alaska ang bola kay Don Trollano ng TNT Katropa.
Jun Mendoza

TNT katropa pasok na sa q’finals

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa bisa ng apat na sunod na arangkada ay nakamit ng Tropang Texters ang ikaapat na tiket sa quarterfinal round.

Nagpasabog si RR Pogoy ng 24 points para banderahan ang mainit na TNT Katropa sa 92-78 pagpapatumba sa bumubulusok na Alaska sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagsalpak si Pogoy ng 5-of-7 shooting sa three-point range para sa ika­anim na panalo ng Tropang Texters sa siyam na asignatura at makasama sa quarterfinals ang Phoenix Fuel Masters (8-2), Rain or Shine Elasto Painters (7-3) at nagdedepensang San Miguel Beermen (6-3).

Nalasap naman ng Aces (3-5) ang kanilang pangatlong dikit na kama­lasan.

Kaagad humarurot ang TNT Katropa sa first period kung saan nila itinayo ang 11-point lead, 33-22 laban sa Alaska bago ito palobohin sa 77-62 mula sa triple ni Pogoy sa pagsilip ng fourth quarter.

Tuluyan nang ibinaon ng Tropang Texters ang Aces sa 85-65 buhat sa dalawang free throws ni 6-foot-7 center Yousef  Taha  sa huling 5:53 minuto ng laro.

Samantala, pipilitin ng Phoenix (8-2) na tuluyan nang makopo ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ bonus sa pagsagupa sa San Miguel  ngayong alas-5 ng hapon sa Panabo Multi-Purpose Tourism, Sports and Cultural Center.

Nadiskaril ang pagdak­ma ng Fuel Masters sa nasabing insentibo nang matalo sa Ginebra Gin Kings, 97-100  habang du­miretso ang Beermen sa ikaapat na sunod na panalo mula sa 113-107 paggupo sa NorthPort Batang Pier.

RR POGOY TROPANG TEXTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with