^

PSN Palaro

Tropang Texters pasok na sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tropang Texters pasok na sa quarterfinals
Nang magtala ng 11-point lead sa halftime ay hindi na bumitaw sa kalamangan ang Tropang Texters para paluhurin ang Blackwater Elite, 127-89 sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Jun Mendoza

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. NorthPort vs San Miguel Beer

6:45 p.m. Phoenix vs Ginebra

MANILA, Philippines — Dumiretso ang TNT Katropa sa kanilang ikatlong sunod na ratsada para umabante sa eight-team quarterfinal round.

Nang magtala ng 11-point lead sa halftime ay hindi na bumitaw sa kalamangan ang Tropang Texters para paluhurin ang Blackwater Elite, 127-89 sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Itinaas ng TNT Katropa ang kanilang baraha sa 5-3 para makasosyo ang nagdedepensang San Miguel sa ikatlong puwesto sa ilalim ng Phoenix (8-1) at Rain or Shine (7-3).

Nabigo naman ang Blackwater na mailista ang ikalawang dikit na panalo sa pagkakahulog ng marka nila sa 2-7.

Binitbit ng Tropang Texters ang 56-45 abante mula sa halftime at iniwanan ang Elite sa 83-68 sa dulo ng third period.

Ang dalawang three-point shots, isang jump shot at fastbreak dunk ni RR Pogoy ang nagbigay sa TNT Katropa ng 32-point advantage, 104-72  sa 8:45 minuto ng fourth quarter na hindi na napababa ng Blackwater.

Tumapos si Pogoy na may 28 points, 6 rebounds at 4 assists para sa Tropang Texters.

“Nilagnat ako pagda­ting ko from the national team, pero mga two days lang nakabalik na kaagad ako,” sabi ni Pogoy. 

vuukle comment

2019 PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with