^

PSN Palaro

‘Battle Of Katipunan’ sisiklab na

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
�Battle Of Katipunan� sisiklab na
Hangad ng nagdedepensang Blue Eagles ang kanilang pang-sampung titulo habang asam naman ng Fighting Maroons ang ikalawa pa lamang na korona sa loob ng mahabang 32 taon.

UP vs Ateneo

MANILA, Philippines — Sisimulan ngayon ng top seed Ateneo Blue Eagles at third seed University of the Philippines Figh­ting Maroons ang kanilang best-of-three Finals series na tinaguriang “Battle of Katipunan” ng Season 81 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hangad ng nagdedepensang Blue Eagles ang kanilang pang-sampung titulo habang asam naman ng Fighting Maroons ang ikalawa pa lamang na korona sa loob ng mahabang 32 taon.

Sa kanilang match-up sa nakalipas na 15 taon, malaki ang agwat dahil nanalo lamang ang UP ng tatlong beses sa 30 na paghaharap kaya paborito ang Blue Eagles laban sa Fighting Maroons sa Game 1 ng serye sa alas-3:30 ng hapon.

Tinalo rin ng Blue E­agles ang Fighting Maroons ng dalawang beses sa Season na ito, ang una ay 87-79 sa first round noong Sept. 12 at sinundan ng 83-66 sa second round ng elims noong Oktubre 14.

Dahil sa malaking ad­vantage ng Ateneo, i­naasahang magbabago lamang ang roglo kung mu­ling maitatakas  ng Fighting Maroons ang Game 1 ng serye kagaya ng kanilang ginawang pagpapatalsik sa second seed Adamson Soaring Falcons sa semis.

Malaki ang bentahe sa magwawagi sa Game 1 dahil maibaba ng mananalo sa twice-to-beat bentahe na lamang ang natitirang bahagi ng serye.

“Make no mistake about it, we are going for the title. Wala sa isip namin ‘yung malakas sila or mahina kami na we’re happy na where we are now. No, we will be there to compete, we are going to be there to win it. I don’t know what the results would be, but we will be there with the intention of winning,” sabi ni Perasol.

Itinuturo ni coach Perasol ang kanilang laban sa semifinals kung saan 0-2 din sila sa Adamson kaya dahil doon mas lalong lumakas  ang loob ng Figh­ting Maroons.

“We’re slowly learning about ourselves. Parang if you truly believe with what you can do, parang you’ll be amazed at how better you are than what you seek for yourself. You are better than how you see yourself,”dagdag ni Perasol.

Bukod sa pumasok sa Final Four sa unang pagkakataon simula noong 1997 at kauna-unahang Finals stint mula noong 1986, malaki ring bahagi ng UP ang pagsungkit ni Nigerian-athlete Bright Akhuetie sa unang MVP trophy ng Fighting Maroons simula noong 1969.

Samantala, mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN, S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD at via livestrea­ming sa sports.abs-cbn.com simula 3:30 pm ang nasabing laro.

Mapapanood din ang mga laban sa livestream ng iWant, ang bagong strea­ming service ng ABS-CBN, sa iOs at Android apps at saiwant.ph.

 

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

PHILIPPINES FIGH­TING MAROONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with