^

PSN Palaro

3-sunod sa Elite

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
3-sunod sa Elite
Nanguna si import William Henry Walker na kumana ng double-double na 24 puntos at 15 rebounds kalakip ang apat na assists para banderahan ang Elite sa pagkopo ng ikatlong sunod na panalo.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Isang malakas na puwersa ang inilabas ng Blackwater sa huling sandali ng laro para itakas ang pahirapang 113-111 panalo laban sa NorthPort upang sumalo sa liderato sa PBA Season 43 Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nanguna si import William Henry Walker na kumana ng double-double na 24 puntos at 15 rebounds kalakip ang apat na assists para banderahan ang Elite sa pagkopo ng ikatlong sunod na panalo.

Sumulong ang Blackwater sa unahan ng stan­dings kasama ang Barangay Ginebra na may parehong malinis na 3-0 kartada.

“It’s a test of character for the team. They really wanted to get that third win,” wika ni Blackwater coach Bong Ramos.

Naramdaman din si Team Pilipinas member John Paul Erram na nagrehistro ng 19 puntos, pitong rebounds, dalawang blocks, isang assist at isang steal habang nagdagdag si Mike Digregorio ng 19 markers, anim na rebounds at tatlong assists.

Nag-ambag si Mac Belo ng 13 markers gayundin si Nard John Pinto na umiskor ng walong puntos kabilang ang krusyal na tres sa huling sandali ng laro, kasama ang 13 assists at pitong boards.

Pinangunahan ni Rashad Woods ang Batang Pier matapos umani ng 31 puntos, 17 rebounds at tatlong assists habang nagtala si Stanley Pringle ng 18 points at apat na boards.

Wala pa ring panalo ang Batang Pier sa limang laro. 

Samantala, kasaluku­yan pang naglalaro ang Phoenix Fuel Masters at Meralco Bolts habang sinusulat ito.

vuukle comment

BLACKWATER

PBA SEASON 43

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with