Pacquiao nagsimula nang mag-ensayo
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t wala pang katiyakan kung tuloy na ang pag­­hahamon niya kay WBA welterweight king Lucas Mat­thysse ng Argentina ay sinimulan na ni Manny Pacquiao ang kanyang pagpapakondisyon.

Sa katunayan ay nagdya-jogging na ang Filipino world eight-division champion tuwing umaga sa labas ng kanyang mansyon sa Forbes Park sa Makati City.

“Jog, walk, jog walk lang muna,” sabi ni Pacquiao sa pa­­nayam ng ABS-CBN News. “Siguro sa April mag-start na ako ng training. Ngayon stamina muna para pagdating mo sa gym ay hindi ka manibago.”

Itinakda ng MP Promotions ni Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) ang kanilang salpukan ni Matthysse (39-4-0, 36 KOs) sa Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hindi kasama si Bob Arum ng Top Rank Promotions sa naturang boxing event.

“I haven’t been handling that deal. They’ve been handling that deal themselves,” wika ni Arum sa naunang pa­nayam ng BoxingScene.com. "Hopefully the money, in the form of a deposit, turns up."

Tinanggihan ni Pacquiao ang paglalagay sa kanilang la­ban ni Mexican world light welterweight titlist Mike Al­varado (38-4-0, 26 KOs) sa undercard ng ika­lawang pag­­dedepensa ni Jeff Horn (18-0-1, 11 KOs) sa kanyang WBO welterweight title laban kay Ame­rican mandatory challenger Terence Crawford (32-0-0, 23 KOs) sa Abril 14 sa Mandalay Bay.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with