Gilas Cadets pa-Malaysia na
NB (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines -  Bibiyahe ngayong tanghali ang Gilas Cadets team patungo sa Kuala Lumpur para sumabak sa 29th SEA Games at ibsan ang kabiguan ng Gilas Pilipinas laban sa Korea sa FIBA Asia Cup sa Beirut noong Miyerkules ng gabi.

Ang nasabing pagkatalo sa Koreans ang naging tema sa sendoff ceremony kahapon sa Shangri-La EDSA para sa Gilas Cadets na pinamumunuan nina SEAG veterans Kiefer Ravena, Baser Amer at Troy Rosario.

 Kumpiyansa ang Gilas Cadets na mananalo sa kanilang unang laban sa SEAG kontra sa Thailand sa Linggo.

Sina Ravena, Amer at Rosario ang babandera sa tropa ni coach Jong Uichico kasama sina Bobby Ray Parks, Kobe Paras, Kevin Ferrer, Chris Tolomia, Almond Vosotros, Von Pessumal at Raymar Jose.

Maaari namang maging last-minute replacement si Mac Belo kay Cruz kung papayag ang mga SEAG organizers.

 Ang Thailand ay dating hinawakan ni coach Tim Lewis na kinuhang consultant ng Gilas cadet team.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with