^

PSN Palaro

Pocari, Air Force unahan sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng nag­de­depensang Pocari Sweat at Philippine Air Force ang ikalawang tiket sa semis sa kanilang paghaharap ngayong hapon sa Premier Volleyball League Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakdang magkrus ang landas ng Lady Warriors at Lady Jet Spikers sa alas-6:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng BaliPure at Adamson University sa alas-4.

Magkasalo sa ikalawang puwesto ang Pocari at Air Force tangan ang parehong 4-1 marka sa ilalim ng Creamline na may malinis na 6-0 baraha at nauna nang nakahirit ng silya sa semis.

Parehong galing sa panalo ang Lady Warriors at Lady Jet Spikers.

Napigilan ng Air Force ang Power Smashers sa bisa ng pahirapang 25-22, 26-24, 18-25, 17-25, 15-13 panalo habang mabilis na dinispatsa ng Lady Warriors ang Lady Falcons, 25-23, 25-14, 25-19.

Muling aasahan ni Po­cari coach Rico De Guzman si Reinforced Confe­rence Finals MVP Myla Pablo na umiskor ng 17 puntos sa kanilang huling laro.

Kasalukuyan nang nasa ikalawang puwesto ang power-hitting na si Pablo sa scoring department taglay ang 114 hits, limang puntos na kapos sa nangungunang si Diana Carlos ng University of the Philippines na may 119 puntos.

“She (Myla) is playing consistently well for us and we expect her to continue doing that,” ani De Guzman.

Kukuha rin ng lakas ang Pocari  kina Maricar Nepomuceno, Elaine Kasilag, Desiree Dadang, Jeanette Panaga at Jessey De Leon.

Lalarga naman ang Air Force sa pa­ngunguna nina Mary Ann Pantino, Joy Cases, Iari Yongco, Mae Antipuesto, Jocemer Tapic, Dell Palomata at Wendy Anne Semana.

Sa kabilang banda, kailangan ng BaliPure na manalo sa Adamson upang manatiling buhay ang pag-asa nito para sa huling tiket sa semis.

Lumasap ang Water Defenders ng kabiguan sa kamay ng Perlas Spikers, 26-24, 25-13, 13-25, 22-25, 11-15  para mahulog sa ika­limang puwetso bitbit ang 2-3 marka.

Sa men’s division, mag­haharap ang Sta. Elena at Gamboa sa alas-10 ng umaga kasunod ang banggaan ng Philippine Army at Café Lupe sa ala-una ng hapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with