^

PSN Palaro

Pangil ng Red Lions may talim pa sa NCAA Season 93

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mananatiling mabangis ang San Beda College sa oras na ipagtanggol ang kanilang kampeonato sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Hulyo 8 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Malalim ang lineup ng Red Lions na pamumunuan ni Robert Bolick kasama sina Jayvee Mocon, Davon Potts, Jose Presbitero, Ben Adamos at Radge Tongco na bahagi ng champion team noong nakaraang taon.

Magbabalik din si coach Boyet Fernandez na dinala ang Red Lions sa back-to-back NCAA championships noong 2013 at 2014.

Galing ang San Beda sa kampeonato sa Premier Cup noong Linggo kung saan pinataob nito ang UAAP titlist De La Salle University sa finals.

Kaya naman tiwala si Fernandez na malaki ang tsansa ng Red Lions na maidepensa ang korona sa taong ito lalo pa’t may lider na maaasahan sa ngalan ni Bolick.

“Our goal is to keep that NCAA trophy at San Beda and we expect it to be tougher after our recent victory,” sambit ni Fernandez.

Ngunit ayaw ni Bolick na i-pressure ang kanilang sarili.

Kaya naman wala sa isip ng Red Lions ang maging kampante dahil tiyak na naghahanda ang iba pang koponan na maagaw ang kanilang kampeonato.

Tanging si team captain Dan Sara lamang ang nawala sa San Beda na siyang tumalo sa Arellano University sa championship round ng Season 92.

Nariyan pa sina French Arnaud Noah, Nigerian Eugene Toba at Cameroonian Donald Tankoua na dagdag lakas sa hanay ng Red Lions.

Pasok din sa San Beda sina Ateneo transferees guard Clint Doliguez at 6-foot-8 Kenmark Carino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with