^

PSN Palaro

Pacquiao-Horn fight malapit nang ma-plantsa--Arum

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kung si Bob Arum ng Top Rank Promotions ang tatanungin ay kumpiyansa siyang mapapanalisa ang bakbakan nina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at Australian challenger Jeff Horn.

Ilang detalye na lamang ang pinaplantsa ni Arum para sa tuluyan nang maitakda ang pagdedepensa ni Pacquiao sa kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown laban kay Horn sa Hulyo 2.

“As far as I'm concerned, everything is done,” ani Arum sa panayam ng BoxingScene.com. “There are some little strings, but they don't amount to much."

Matatandaang naunsiyami ang pakipag-usap ni Arum sa Duco Events, ang promoter ni Horn (16-0-1, 11 KOs), nang puntiryahin ni Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) ang ipinangakong $38 milyon ng isang investment group sa United Arab Emirates para labanan si Amir Khan (31-4-0, 19 KOs) sa Dubai.

Walang naipakitang $38 milyon ang naturang UAE group kaya mu­ling binuhay ni Arum ang pakikipag-usap sa tropa ni Horn.

Mula sa orihinal na $5 milyon ay dinoble ng Duco  Events sa $10 milyon ang premyong ibibigay sa 38-anyos na Filipino world eight-division champion para magdepensa kay Horn sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Sa oras na pirmahan nina Pacquiao at Horn ang kailang mga fight contracts ay papanalisahin naman ni Arum ang television network na magsasaere sa laban nina Pacquiao at Horn.

Ito ang unang pagdedepensa ni Pacquiao sa kanyang suot na WBO welterweight belt na inagaw niya kay Mexican Jessie Vargas noong Nobyembre ng nakaraang taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with