^

PSN Palaro

Ramirez sa national athletes: Lumayo sa politika, sa training mag-pokus

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  “Keep out of politics in sports. Don’t listen to the troubles concerning your respective national sports associations, but instead focus on your training in preparation for the 29th Southeast Asian Games.”

Ito ang mensahe ni  Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez kahapon sa ginawang 2nd National Athletes and Coaches General Assembly na ginanap sa Philsports Arena ng Pasig City.

Hinikayat ni Ramirez ang mahigit 800 athletes at coaches na dumalo sa assembly meeting na huwag pansinin ang hidwaan ng mga sports leaders at pagtuunan lamang ang kanilang preparasyon para sa darating na SEA  Games na gaganapin sa Agosto 19 hanggang 31 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pinagtibay ni Ramirez ang posisyon ng PSC na ang karapat-dapat lamang na mga atleta ang kanilang popondohan para sa SEA Games, ayon sa kanila ring sariling monitoring sa pamamagitan ng Philippine Sports Institute.

Ayon sa kanya, hindi makikialam ang PSC sa pagpili ng mga atleta at mga coaches dahil trabaho ‘yan ng mga NSAs at ng Philippine Olympic Committee na siyang magbibigay accreditations para sa nasabing bennial meet. Ngunit ayon sa kanya may responsibilidad silang pag-ingatan ang  pera ng taong bayan.

“We will only provide funding to deserving athletes. To those, who are not will not be given assistance. We just hope also that all NSAs ay magpaka-totoo rin dahil kawawa naman ang mga atleta,” dagdag ni Ramirez sa pagtitipon na dinaluhan din ng apat na PSC commissioners na sina Ramon Fernandez, Charles Maxey, Celia Kiram at  Arnold Agustin.

Pinaliwanag din ni Ra­­­­mirez na tinatayo ang PSI para matulungan ang mga atleta lalong lalo na sa kanilang pagsasanay para sa SEA Games at iba’t-ibang international competitions pati na sa Asian Games at sa Olympic  Games.

Inulit din ng sports czar ng bansa na kung may problema sa mga at­leta hindi puwedeng hindi makialam ang PSC dahil pera ng gobyerno ang ginagastos sa kanilang pagsasanay, pagkain at kahit sa foreign exposures.

vuukle comment

WILLIAM “BUTCH” RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with