^

PSN Palaro

San Miguel lalapit sa titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Lalapit sa inaasam na kampeonato ang nagdedepensang San Miguel Beer sa muling pagharap sa Barangay Ginebra sa Game 4 ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup best-of-seven championship series nga­yong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Inaasahang muling dadanak ang mainit na tagayan sa oras na magpang-abot ang Beermen at Gin Kings sa alas-7.

Nakakapit ang Beermen sa 2-1 bentahe sa serye - sariwa sa 99-88 panalo sa Game 3 noong Miyerkules. Wagi rin ang Beermen sa Game 1 (109-82) habang nakuha ng Gin Kings ang Game 2 sa pamamagitan ng pahirapang 124-118 overtime win.

Lumabas ang malalim na karanasan ng Beermen sa Game 3 sa pangunguna ni reigning MVP June Mar Fajardo na kumamada ng double-double na 17 puntos at 18 rebounds.

Malaki rin ang kontribusyon ni Chris Ross na humataw ng 24 puntos gayundin nina Alex Cabagnot na bumira ng 20 puntos at Marcio Lassiter na nagdag­dag ng 16 puntos.

Sa kabila ng abante sa serye, wala sa isip ng Beermen na maging kampante dahil alam ni SMB coach Leo Austria ang kakayahan ni Gin Kings mentor Tim Cone na armado na ng ilang kampeonato.

Aabangan ng  Beermen ang malaking adjust­ments na gagawin ni Cone na nagnanais muling maitabla ang serye.

“He’s really a great coach. Matalino si coach Tim and he can find ways. Maraming pwedeng mangyari sa Game 4 kaya it’s not safe pa dahil siguradong babawi ang Ginebra. Ayaw nila na mabaon sa 3-1,” wika ni Austria.

Kinakailangan ni Cone ng solidong plano upang pigilan ang Beermen kaya’t hahataw sina LA Tenorio, Japeth Aguilar, Chris Ellis at Kevin Ferrer.

Nais ni Cone na kalimutan na ang nakaraan at ipokus ang kanilang isipan sa Game 4.

Kasamang nais ibaon ni Cone ang komprontas­yon nito kay Ross noong Game 3.

Hindi nagustuhan ni Cone ang three-pointer ni Ross sa huling sandali ng laro.

Nagkainitan din sina Ferrer at Arwind Santos ng Beermen dahil sa asaran.

Ayaw naman ni Santos na magpaapekto dahil sanay na ito sa ganung sitwasyon.

“Normal lang naman yun dahil parehong team ayaw matalo. Medyo nagkainitan lang dahil may sinabi siya na medyo hindi maganda. Sana madala namin yung panalo namin (sa Game 3) sa Game 4,” ani Santos.  

 

 

 

vuukle comment

SAN MIGUEL BEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with