^

PSN Palaro

Celtics umeskapo sa Kings

Pilipino Star Ngayon

BOSTON - Sumakay ang Celtics sa kanilang malaking arangkada sa fourth quarter para gibain ang Sacramento Kings, 97-92 tampok ang 26 points ni Al Horford.

Nagtayo ang Celtics ng 13-point lead sa first period bago maagaw ng Kings ang 72-69 kalamangan papasok sa fourth frame.

Ngunit isang 18-4 atake ang inilunsad ng Bos­ton sa pagsisimula ng fourth period kasabay ng pagblangko sa Sacramento sa loob ng apat na minuto para tuluyan nang angkinin ang bentahe patungo sa kanilang panalo.

Nakalapit ang Kings sa 87-90 sa huling 1:31 minuto ng laro, ngunit nagsalpak naman si Horford ng isang three-pointer at dalawang krusyal na free throws para selyuhan ang tagumpay ng Celtics.

May 11-8 record nga­yon ang Boston, nakahugot ng 20 points kay guard I­saiah Thomas kasunod ang 16 at 15 nina Jae Crow­der at Avery Bradley, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni DeMarcus Cousins ang Sacramento (7-12) sa kanyang 28 points, 9 rebounds at 4 blocks.

Sa San Antonio, tumipa si Kawhi Leonard ng 20-foot jumper sa huling anim na segundo para itakas ang Spurs laban sa Wa­shington Wizards, 107-105.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng San Antonio at ika-16 sa 20 laro.

Umiskor si Leonard ng 23 points mula sa 8-of-14 field goal attempts, habang nagdagdag naman sina center LaMarcus Aldridge at Pau Gasol ng tig-19 points para sa Spurs.

Nalasap ng Wizards ang kanilang pangalawang dikit na kabiguan at pang-12  sa 18 laban.

Pinamunuan ni Bradley Beal ang Washington sa kanyang 23 points mula sa 7-of-11 field goal attempts kasama ang 5-for-5 sa 3-point line.

Sa New Orleans, kumolekta si Blake Griffin ng 27 points at 10 rebounds, habang nagposte si guard Chris Paul ng 17 markers at 13 assists para itarak ang 114-96 paggupo ng Los Angeles Clippers sa Pelicans.

Ito ang ika-16 panalo ng Clippers, nagmula sa pananaig kontra sa Cleveland Cavaliers, sa kanilang 21 asignatura.

Nagdagdag si Jamal Crawford ng 21 points kasunod ang 15 ni Luc Mbah a Moute para sa back-to-back wins ng Los Angeles.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with