^

PSN Palaro

Iran nagparamdam agad, Chinese Taipei B pinayuko

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kaagad nagpakita ng kanilang lakas ang nagdedepensang Iran matapos pabagsakin ang Chinese Taipei B, 73-61  sa pagsisimula ng 38th Jones Cup international basketball tournament sa Xinzhuang Gymnasium sa Taiwan.

Umiskor sina Behnam Yakhchali at Sajjad Mashayekhi, ang mga bagong kamador sa Iran national team, ng pinagsamang 34 points sa final half para sa kanilang tagumpay.

Ang iba pang mga nagposte ng panalo ay ang Chinese Taipei  A, Egypt at Cal State U-Sacramento.

Pinayukod ng Taiwa­nese national team ang Japan, 76-55, habang tinakasan ng Egypt ang Korea, 74-73, at nilusutan ng Sacramento State Hornets ang India, 62-60.

Samantala, kasalukuyan kasagupa ng Mighty Sports Apparel team ng Pilipinas ang Chinese Taipei A habang sinusulat ito.

Sa labas ng playing venue ay may idinaos na rally ang mga Taiwanese civic groups at activists na nanawagan sa mga opis­yales at sports authorities na palitan ang official name sa Taiwan mula sa Chinese Taipei.

Ngunit hindi ito nakaapekto sa dalawang Taiwa­nese teams.

Ang Taipei B ay ang cadet team ng Taiwan na inihahanda para sa University Games sa susunod na taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with