Elite biniktima ang Thais
(Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patuloy ang panana­lasa ng Blackwater nang pakainin nito ng alikabok ang Thailand Pea Basketball Club, 89-76, sa 2016 Penang Chief Minister Cup International Basketball Invitational Championships na ginaganap sa Han C­hiang Indoor Stadium sa Penang, Malaysia.

Pinaliguan ng Elite ng three-pointers ang kanilang karibal upang matamis na kubrahin ang ikalawang sunod na panalo.

Nanguna sa ratsada sina Raphael Reyes, Juami Tiongson at rookie Almond Vosotros na may pinagsama-samang pitong tres na siyang nagdala sa Elite sa 57-39 kalamangan.

Nagtala ng kabuuang 16 puntos si Reyes habang may 14 si Lastimosa at 13 naman si Bambam Gamalinda para sa Elite.

Sunod na makakasagupa ng Blackwater ang powerhouse Zhejiang Chouzhou Commercial Bank-China.

Nakatakda ang laro ng Blackwater at Zhenjiang Linggo ng gabi.

Ang China ay babanderahan ng matatangkad na sina Zhang Yong Peng, Zhang Dayu at Lai Jung.

Galing ang China sa impresibong 89-68 panalo laban sa Thailand sa kanilang unang laro.

MARRIOTT MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with