Diretsong tres pakay ng Caida vs Wangs
(Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Target ng Caida na kubrahin ang kanilang ikatl­ong sunod na panalo sa pagpapatuloy ng 2016 Philippine Basketball Association (PBA) D-League Aspirants’ Cup ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Caida ang Wangs Basketball sa alas-4 ng hapon habang magtutuos naman sa unang laro sa alas-2 ang Phoenix Petroleum-Far Eastern University at AMA University.

Isa ang Caida sa lumu­lutang na may pinakama­lakas na lineup sa kumperensiyang ito taglay ang matitikas na manlalaro gaya nina Jiovani Jalalon at Rey Nambatac.

Kitang-kita ang  lakas ng Tile Masters nang pa­kainin nito ng alikabok ang AMA noong Martes sa bendisyon ng 103-84 panalo.

“Gusto ko lahat ng pla­yers nakakapaglaro. In the long run, you have to use those players, and it’s just going to be an advantage on our part,” wika ni Caida head coach Caloy Garcia.

Ngunit muling masusubukan ang tikas ng kanyang bataan sa pagsabak nito sa Wangs na buhat din sa panalo.

ACIRC ANG CAIDA CALOY GARCIA D-LEAGUE ASPIRANTS JIOVANI JALALON PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION PHOENIX PETROLEUM-FAR EASTERN UNIVERSITY REY NAMBATAC SAN JUAN CITY TILE MASTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with