3-sunod na BPC kay Fajardo
(Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kagaya ng dapat asahan, hinirang si June Mar Fajardo ng San Miguel bilang Best Player of the Conference ng 2016 PBA Philippne Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Gumawa ng kasaysayan ang back-to-back PBA Most Valuable Player ng maging unang cager na kinilalang BPC ng All-Filipino Cup sa ikatlong sunod na taon.

Ito ang ikaapat na BPC award ni Fajardo sa nakaraang pitong PBA confe­rences.

Nagposte ang 6-foot-10 na si Fajardo ng mga average league-highs na 26 points, 14.9 rebounds, at 2.2 blocks per game para talunin sa BPC trophy sina Greg Slaughter ng Barangay Ginebra, Sean Anthony at Asi Taulava ng NLEX at Barako Bull forward Willie Wilson.

Kumolekta si Fajardo ng 1,407 points mula sa statistics, media votes, players votes at PBA Office kasunod sina Slaughter (803), Taulava (496), Anthony (473) at Wilson (449).

“Siyempre happy ako kasi ako yung nanalo,” wika ng 26-anyos na Cebuano superstar. “Another achievement ito para sa akin.” (RC)

ALL-FILIPINO CUP ASI TAULAVA BARAKO BULL BARANGAY GINEBRA BEST PLAYER OF THE CONFERENCE FAJARDO GREG SLAUGHTER JUNE MAR FAJARDO MOST VALUABLE PLAYER PASIG CITY PHILIPPNE CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with