^

PSN Palaro

Fast Hitters tinapos ang Airmen

Angeline Tan - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

5 p.m.  IEM vs Navy

 

MANILA, Philippines - Tinapos ng PLDT Home Ultera Fast Hitters ang apat na sunod na panalo ng Air Force-Airmen sa 23-25, 25-21, 25-21, 25-14 tagumpay sa Spi­kers’ Turf Reinforced Confe­rence noong Linggo sa The Arena sa San Juan City.

Hindi napigilan ng Airmen ang maalab na laro ni Mark Alfafara para lasapin ang unang pagkatalo matapos ang apat na dikit na panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

May 25 puntos si Alfafara na nagmula sa 20 attack points at limang blocks.

Angat lamang ang PLDT ng tatlong attack points sa Air Force, 49-46, pero lumutang ang kanilang blocks, 10-5 at si Kheeno Franco ay naghatid pa ng dalawang blocks.

Magkatabla ang Airmen at Cignal HD Spikers sa unang puwesto sa 4-1 karta pero ang una ang la­labas na number one team dahil sa bitbit na 12 puntos laban sa 11 ng Cignal.

Ang PLDT ang number three team sa 3-2 baraha habang ang IEM Volley Masters at Navy Sailors na may magkatulad na 1-3 karta, ang maglalaban bukas para sa ikaapat at huling puwesto sa semifinals.

 

vuukle comment

ACIRC

AIR FORCE

AIR FORCE-AIRMEN

ANG

CIGNAL

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST HITTERS

KHEENO FRANCO

LARO BUKAS

MARK ALFAFARA

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with