^

PSN Palaro

Legends kampeon sa 4th DELeague

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Siargao Legends ang galing ng  two-time PBA MVP na si Willie Miller para ibigay sa koponan ang 85-79 overtime panalo at isubi ang titulo sa 4th DELeague Invitational Basketball Tournament noong Miyerkules ng gabi sa Marikina Sports Center sa Marikina City.

Tumapos si Miller taglay ang 20 puntos at kinatampukan ito ng dalawang matitinding triples sa huling 16 segundo para magtabla ang magkabilang koponan sa regulation sa 74-all.

Hindi pa rito natapos ang pagbibida ni Miller dahil naispatan niya sa ilalim si Charles Mammie para sa 83-79 kalamangan na pinalawig pa ng beteranong pointguard sa anim sa dalawa pang free throws sa sumunod na tagpo.

May walong rebounds at anim na assists pa si Miller sa championship game na ito para kilalanin din bilang MVP sa ligang inorganisa ni Marikina Mayor Del de Guzman at suportado pa ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, Cars Unlimited- Fairview Auto Sale at Tutor 911.

 

BANK BLUE WAVE MARQUINTON BRANCH

CARS UNLIMITED

CHARLES MAMMIE

EQUIPMENT SALES AND RENTAL

FAIRVIEW AUTO SALE

INVITATIONAL BASKETBALL TOURNAMENT

LUYONG RESTAURANT CONCEPCION

MARIKINA CITY

MARIKINA MAYOR DEL

MARIKINA SPORTS CENTER

SIARGAO LEGENDS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with