^

PSN Palaro

Texters kukunekta ng ika-4 na dikit sa B-Pier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malinaw na ang matin-ding depensa ang nagbibigay ng panalo sa Tropang Texters.

Sa 80-72 paggiba sa Meralco noong Nobyembre 11 ay nilimita ng Talk ‘N Text ang una sa dalawang fieldgoals sa huling limang minuto ng fourth quarter para ilista ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

Sa naturang laro, tumapos si Ryan Reyes na may 17 points para sa Tropang Texters.

Puntirya ang kanilang pang-apat na sunod na ratsada, sasagupain ng Talk ‘N Text ang Globalport ngayong alas-7 ng gabi sa 2014-2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kumpara sa Tropang Texters ni coach Jong Ui­chico, nanggaling naman ang Batang Pier ni Pido Jarencio sa 83-86 kabiguan sa Rain or Shine noong Nobyembre 12.

Hawak ng Alaska ang liderato sa kanilang malinis na 6-0 record kasunod ang San Miguel (5-1), Ginebra (5-2), Rain or Shine (5-2), Talk ‘N Text (4-2), Meralco (3-3), Globalport (3-3), nagdedepensang Purefoods (2-3), NLEX (2-4), Barako Bull (1-5), Kia (1-6) at Blackwater (0-6).

Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon aasintahin ng  Hotshots ang  unang back-to-back wins sa pagsagupa sa Elite ni Leo Isaac.

vuukle comment

BARAKO BULL

BATANG PIER

GLOBALPORT

JONG UI

LEO ISAAC

MERALCO

N TEXT

NOBYEMBRE

PHILIPPINE CUP

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with