Elasto Painters sinolo ang pangatlong silya
RCadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Imbes na makaapekto ay lalo pang naging maba­lasik ang Elasto Painters sa paglalaro.

Hindi ininda ng Rain or Shine ang maagang pagkakatalsik kay head coach Yeng Guiao sa second pe­riod matapos gibain ang minamalas na Meralco, 107-79, sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa University of South Eastern Philippines sa Davao City.

Sinolo ng Elasto Pain­ters ang ikatlong posisyon mula sa kanilang three-game winning streak kasa­bay ng pagpapatikim sa Bolts ng pangato nitong pag­katalo.

Tumaas ang Rain or Shine sa 5-2 sa ilalim ng Alaska (6-0) at Barangay Gi­nebra (5-1) kasunod ang San Miguel (4-1), Talk ‘N Text (4-2), Meralco (3-3), Glo­balport (3-3), nagdedepensang Puredoods (2-3), NLEX (2-4), Kia (1-5), Ba­rako Bull (0-5) at Blackwater (0-6).

Napatalsik sa laro si Guiao sa 10:40 minuto sa second period makaraang makuha ang kanyang ikalawang sunod na technical foul dahil sa pagmumura sa mga referees.

Nakadikit ang Bolts sa 28-29 bago nagsalpak ang Elasto Painters ng limang three-point shot sa third quarter para iposte ang 74-48 abante sa 4:52 minuto nito.

Naging pisikal ang laro kung saan halos magrambulan sina Raymond Almazan ng Rain or Shine at John Ferriols ng Meralco sa huling minuto ng final can­to.

Rain or Shine 107 - Lee 20, Chan 16, Jericho Cruz 15, Almazan 14, Bel­ga 11, Tang 10, Teng 8, Uyloan 3, Ibañes 3, Qui­ñahan 3, Norwood 2, Je­r­vy Cruz 2.

Meralco 79 - Macapa­gal 16, Dillinger 12, Ca­ram 11, Hodge 9, Hugnatan 7, Anthony 6, Ildefonso 6, Guevarra 4, David 4, Atkins 2, Ferriols 2, Cor­tez 0, Buenafe 0.

Quarterscores: 27-19; 51-38; 87-56; 107-79.

BARANGAY GI DAVAO CITY ELASTO PAIN ELASTO PAINTERS JERICHO CRUZ JOHN FERRIOLS MERALCO SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with