Algieri ‘di aabot ng 5th round - Roach
QHenson (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi mananaya ang batikang trainer na si Freddie Roach. Pero sa labang haharapin ni Manny Pacquiao kontra sa walang talong si Chris Algieri ay han­da niyang itaya ang lahat na hindi matatapos ang 12-rounds at panalo na ang Pambansang kamao.

Sa tingin ni Roach, ma­suwerte si Algieri kung ma­kakaabot siya ng hanggang ikalimang rounds dahil magandang-maganda ang kondisyon ni Pacman na idedepensa ang hawak na WBO welterweight division sa Nobyembre 23 sa Macau.

“When I arrived in Ge­neral Santos over a month ago, Manny did 12 rounds of mitts and that was our first workout in the gym. Conditioning will be the key in this fight because we expect Algieri to be in excellent condition,” wika ni Roach.

Dahil sa magandang pangangatawan ni Pacquiao kung kaya’t walang naging problema ang binitbit na mga sparmates ni Roach.

Ang mga ito ay sina Stan Martyniouk, Viktor Postol at Mike Jones. Noong Hu­­webes, pinatumba ni Pacquiao si Martyniouk sa sparring. Dumugo naman ang ilong ni Postol sa isang workout.

Hindi naman nagulat ang six-time Trainer of the Year sa inabot ng mga sparmates ni Pacman dahil kahit siya ay nararamdaman at nasasaktan kapag tinatamaan ng suntok gayong may pananggalang na siya sa katawan.

“I put on the body shield and Manny pounds away. Of course, I get bruised, my hands are banged up after we do the mitts. But that’s okay, I want Manny working his combinations,” dagdag nito.

Hanap ni Pacman ang kumbinsidong panalo para maipakita na tunay na naibalik na niya ang matin­ding lakas na pinagdudahang nawala nang natalo ng dalawang sunod noong 2012.

Sakaling mapatulog ni Pacman si Algieri, posibleng mapapayag na ang pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr. na harapin na ang Filipino boxing pride at 8-division world champion sa kinasasabikang laban sa susunod na taon.

 

ALGIERI CHRIS ALGIERI FLOYD MAYWEATHER JR. FREDDIE ROACH MANNY PACQUIAO MIKE JONES NOONG HU PACMAN PACQUIAO
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with