^

PSN Palaro

Binawian ang RTU, IEM kumakaway sa finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umusad ang Instituto Estetico Manila Volley Mas­ters sa isang laro para makarating sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference Finals sa madaling 25-14, 25-22, 25-16, panalo sa Rizal Technological University Blue Thunders kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi nakakalimutan ang panghihiya na inabot sa collegiate team na nanalo sa limang sets sa unang pagtutuos, ipinatikim ng Volley Masters ang bagsik ng kanilang pag-atake bukod sa husay ng serve game para manalo sa larong tumagal lamang ng isang oras at 13 minuto.

Si Jeffrey Jimenez ang siyang nagdala ng laro para sa nanalong koponan para saluhan ang pahingang Systema Active Smahers (3-1) sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa isang block habang sina Jason Canlas, Eden Canlas at Karl Ian Dela Calzada ay nagsanib sa 21 puntos.

Ang liberong si Carlo Almario ay may 12 digs at may 8 excellent reception habang si setter Rennz Ordonez na naglaro lamang sa second at third sets, ay may 18 excellent sets.

Si Abdul MajidJaidal ay may walong puntos para pangunahanang Blue Thunders na sinaluhan sa 1-3 baraha ang gaya nilang collegiate team FEU Tamaraws.

Magkakaroon ng pagkakataon ang commercial team na IEM na okupahan na ang isa sa dalawang puwesto sa championship round sa Huwebes kung manaig sa Tamaraws. (AT)

vuukle comment

BLUE THUNDERS

CARLO ALMARIO

EDEN CANLAS

INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MAS

JASON CANLAS

KARL IAN DELA CALZADA

RENNZ ORDONEZ

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY BLUE THUNDERS

SAN JUAN CITY

SHAKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with