Algieri walang prediksyon, Pacquiao kayang talunin
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi magbibigay ng prediksyon si American challenger Chris Algieri kung anong round niya patutumbahin si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Sinabi ng 5-foot-10 na si Algieri na gagawin lamang niya ang kanyang makakaya para talunin at agawan ng World Boxing Organization (WBO) welterweight crown ang 5’6 na si Pacquiao.

“I’m not a predictions guy but I’m going to go out there and do what I always do,” sabi ni Algieri sa panayam ng RingTV.com. “I’m going to bring my all and come out victorious. That’s how I’ve always approached my career. Any way the win comes, it comes but I am definitely getting the win.”

Kamakalawa ay sinabi ni Pacquiao na pababagsakin niya si Algieri sa loob ng sixth round.

Idedepensa ng 35-an­yos na si Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) ang kanyang suot na WBO welterweight title laban sa 30-anyos na si Algieri (20-0-0, 8 KOs) sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Nasa maigting na pagsasanay na si Pacquiao sa Pacman Wild Card Gym sa General Santos City kasama sina chief trainer Freddie Roach at strength and conditioning mentor Justine Fortune.

Nakipag-sparring na ang Sarangani Congressman kina Mike Jones at Stan Martyniouk bilang paghahanda kay Algieri, ang bagong WBO light welterweight king.

Tiniyak nina Jones at Martyniopuk na hindi kaka-yanin ni Algieri ang mga suntok ni Pacquiao.

Ngunit ipinakita ni Algieri na kaya rin niyang manakit ng kalaban sa pamamagitan ng kanyang suntok matapos talunin si Ruslan Provodnikov via split decision noong Hunyo sa kabila ng dalawang beses na pagbagsak sa first round.

 

ALGIERI CHRIS ALGIERI FREDDIE ROACH GENERAL SANTOS CITY JUSTINE FORTUNE MANNY PACQUIAO MIKE JONES PACMAN WILD CARD GYM PACQUIAO RUSLAN PROVODNIKOV
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with