Hapee Toothpaste ‘team to beat’ sa PBA D-League
ATan (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi dapat pagtakhan kung ang Hapee Toothpaste ang siyang magiging team to beat sa gagana­ping PBA D-League Aspirants Cup na nakatakdang magbukas sa Oktubre 27 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang koponang pag-aaari ng Lamoiyan Corporation sa pangunguna ni Dr. Cecilio Pedro at gumawa ng marka sa Philippine Basketball League (PBL) ay magbabalik sa amateur league bitbit ang kilalang manlalaro sa UAAP at NCAA.

Mangunguna sa koponang hahawakan ni Ronnie Magsanoc si da­ting UAAP MVP Bobby Ray Parks Jr. na pumirma na ng dalawang confe­rence contract.

Sinundan ng kaliweteng 6’3 guard ang tinahak ng namayapang ama na si dating PBA 7-time Best Import Awardee Bobby Sr. na nag­laro kasama si Tony Harris bilang mga imports ng Hapee sa ABC (FIBA Asia ngayon) Champions Cup noong 1996 na ginawa sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang Cadet member at dating NCAA MVP mula San Beda na si Garvo La­nete ay maglalaro rin sa koponan at sasamahan sila ng mga pambato ng Red Lions ngayon sa pamumuno nina 6’8 Ola Adeogun, Baser Amer at Arthur dela Cruz.

Ang 6’9 na si Arnold Van Opstal at Ateneo guards Chris Newsome at Nico Elorde ay kasapi rin habang papasok din ang UAAP Most Improved Player na si Troy Rosario ng National University at ang nangungunang MVP candidate sa 90th NCAA na si Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help.

Magbibigay ng mahalagang karanasan sa bata pero malakas na koponan si Marvin Hayes.

 

ANG CADET ARNOLD VAN OPSTAL BASER AMER BEST IMPORT AWARDEE BOBBY SR. BOBBY RAY PARKS JR. CHAMPIONS CUP CHRIS NEWSOME D-LEAGUE ASPIRANTS CUP DR. CECILIO PEDRO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with