^

PSN Palaro

PFF Peace Cup, PHL Azkals mapapalaban na sa C-Taipie

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisimulan ng Philippine Azkals ang kanilang pagdedepensa sa PFF Peace Cup ngayong gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.

Sasagupain ng Azkals ang Chinese-Taipei, tumalo sa kanila noong nakaraang taon, sa ganap na alas-7 ng gabi para sa unahan sa pag-angkin sa finals berth ng four-nation tourney na pinaikli sa two-day affair dahil sa direktiba ng International Football Federation (Fifa).

Maglalaban naman ang Asian Cup-bound Palestine at Asean bet Myanmar sa alas-4 ng hapon.

Ang mananalo sa double-header ang maglalaban sa gold medal match sa Sabado, habang ang matatalo ang mag-aagawan sa bronze medal.

“The guys know what’s at stake and it’s nice to be back in Manila, it’s been a while (since the Azkals last played at Rizal),” sabi ni Azkals skipper Rob Gier sa pre-tournament press conference kahapon sa Manila Hotel.

Ang third edition ng Peace Cup ay pinaikling knockout format para umangkop sa isang Fifa ru­ling na nagtatakda ng dalawang international matches per A team sa anumang international window.

Samantala, simula nga­­yong gabi mapapanood ang laro ng Azkals at Chinese Taipei sa alas-7 ng gabi na live na ipapalabas ng ABS CBN Sports+Action.

Para sa mga update, patuloy na subaybayan ang ABS-CBN Sports+Action at i-like ang opisyal na Facebook page nito (www.facebook.com/SportsandAction)

vuukle comment

ASIAN CUP

AZKALS

CHINESE TAIPEI

FIFA

INTERNATIONAL FOOTBALL FEDERATION

MANILA HOTEL

PEACE CUP

PHILIPPINE AZKALS

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with