^

PSN Palaro

Provodnikov gustong subukan si Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagmakaawaa ang kampo ng Russian boxer na si Ruslan Provodnikov sa kanyang coach na si Freddie Roach na makalaban ang eight-division champion na si Manny Pacquiao.

Sa ulat ni Lance Pugmire ng The Los Angeles Times, sinabi ni Roach na nilapitan siya ng manager ni Provodnikov upang ipaalam na nais nilang makalaban si Pacquiao.

“I still don’t really have interest in that fight, but his manager came begging to me to make it happen,” sabi ni Roach na kinausap ang mismong boksingero upang makumpirma ang sinasabi ng manager.

Parehong hawak ni Roach si Pacquiao at Provodnikov at kung matutuloy ito ay kailangang bitawan ng trainer ang Rusong boksingero.

“And I asked Ruslan, ‘Do you really want to make that fight happen? You’re going to lose me as a trainer, and have a slim chance of winning,’” sabi pa ng cornerman.

“Ruslan said, ‘Well, we need big fights like that,’” dagdag ni Roach.

Nakatakdang depensahan ni Provodnikov ang kanyang WBO light welterweight title kontra kay Chris Algieri sa Linggo at kung manalo siya ay malaki ang tsansa niyang makalaban si Pacquiao.

Ikinasa na ni Top Rank chief Bob Arum ang laban ni Pacquiao sa Nobyembre sa Macau ngunit hanggang ngayon ay hindi pa alam kung sino ang makakabangga ng Pinoy.

Ilan sa mga pinagpipilian ay sina Juan Manuel Marquez, Luis Abregu, Amir Khan at Danny Garcia.

“If you want it (Pacquiao fight), I’ll give it to you,” sabi ni Roach kay Provodnikov.

AMIR KHAN

BOB ARUM

CHRIS ALGIERI

DANNY GARCIA

FREDDIE ROACH

JUAN MANUEL MARQUEZ

LANCE PUGMIRE

PACQUIAO

PROVODNIKOV

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with