Trahedya sa SCTEX
MAY trahedyang naganap sa bansa noong May 1 (Labor Day). Piyesta opisyal kaya walang pasok ang lahat. Karaniwang nagbabakasyon ang mga tao. Nataon na Huwebes ang piyesta opisyal kaya baka idederetso na lang ang bakasyon hanggang Linggo. Pero para sa 10 tao na nasangkot sa madugong trahedya, iyon na pala ang huling bakasyon. Nangyari ang trahedya sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).
Inararo ng Solid North bus ang apat na sasakyang nakapila sa toll gate. Sampu ang kumpirmadong patay, kabilang ang apat na bata. Ayon sa report, nakatulog ang drayber ng bus at mabilis ang takbo habang papalapit sa toll plaza.
Nakakulong na ang drayber ng bus at nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides, multiple physical injuries, and multiple damage to property. Sinuspindi ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon ang Solid North Bus Company dahil sa pangyayari.
Mahaba ang SCTEX. Halos walang makikitang gusali o bahay sa kahabaan ng expressway. Ang makikita ay puro taniman o lupang walang laman. May mga gasolinahan pero malalayo ang agwat. Naganap ang trahedya ng alas-12:18 ng tanghali na mainit ang panahon.
Pero dahil may aircon ang bus, kumportable ang mga pasahero, kabilang ang drayber. At baka masyadong kumportable kaya nakatulog. Hindi malayo mangyari ito dahil nga sa haba ng SCTEX kung saan walang libangang makikita.
Ang payo, kapag inaantok ang drayber, tumabi muna nang maayos at ligtas at umidlip na muna kahit sandali. O kaya kung may kasama na marunong ding magmaneho, makipagpalitan at magpahinga. Dapat siguro ganundin sa mga pampublikong bus na bumibiyahe ng mga highway. Kung may karelyebong drayber, maiiwasan ang aksidente.
May speed limit din ang mga highway pero wala na ngang saysay ito kung nakatulog nga ang drayber. Baka isang solusyon din ay lagyan ng mga maliliit na sunud-sunod na humps o “rumble strips” kung tawagin para nayayanig ang buong sasakyan kapag dumaan.
Ilagay ito ilandaang metro ang layo sa mg

Ilagay ito ilandaang metro ang layo sa mga toll gate para maging alerto ang drayber kung sakaling inaantok o nakatulog. Baka sakaling makatulong. Nakalulungkot na may nangyayaring ganitong trahedya. Ang masaklap, may mga batang namatay. Nakikiramay ako sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay. Hindi ko maisip ang kanilang pinagdadaanan ngayon.
a toll gate para maging alerto ang drayber kung sakaling inaantok o nakatulog. Baka sakaling makatulong. Nakalulungkot na may nangyayaring ganitong trahedya. Ang masaklap, may mga batang namatay. Nakikiramay ako sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay. Hindi ko maisip ang kanilang pinagdadaanan ngayon.
- Latest