^

PSN Opinyon

Kabuhayang Pinoy sinisira ng China

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi titigil and China sa kawalanghiyaan nito, patuloy­ na masisira ang kabuhayan ng ating mga mangingisda. Pati ang mga mamimiling Pilipino ay malubhang apektado dahil sa mataas na presyo ng isda. Wala naman tayong magawa kundi magreklamo na dumarapo lang sa mga tengang-kawali ng mga Intsik.

Kadalasan kung mamamalengke ka, nadadaig pa sa pres­yuhan ng mga paninda ang halaga ng karneng baboy o baka ng halaga ng isda. Kaya dalawang mahalagang isyu ang nakataya sa ginagawang ito ng China: Soberenya at ekonomiya.

Umaangal na ang mga mangingisdang Pinoy dahil hindi na sila makapanghuli ng isda sa ating traditional­ na fishing ground gaya ng Scarborough Shoal na bantay-sarado ng mga Chinese coast guard at militia. Kung hindi man pini­­pigilang mangisda ang ating mga fisherfolk ay kinukumpiska ang mga huli at kung medyo “mabait” ang mga humuhuli sa kanila ay pinapalitan ng instant noodles na expired.

Hindi ba kasagsagan iyan ng kawalanghiyaan ng mga Intsik na iyan? Ang masakit, may mga kababayan tayong Pilipino na ang ilan ay dating mataas na opisyal ng pamahalaan ang malinaw na kumakampi pa sa China. Dapat marahil, sa katraydoran ng mga kababayan nating ito ay ma-firing squad sila nang huwag pamarisan.

Binabatikos pa nila ang pamahalaan sa tuwing nagi­ging reactionary kapag may ginagawang pang-aabuso ang China sa mga sarili nating barkong militar. Ang tanong: may budhi pa kaya ang mga taong ganito na nagkakanulo sa sarili nating bayan?

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with