^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Anong ikatatakot sa ICC?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Anong ikatatakot  sa ICC?

Limampu’t limang porsiyento ng mga Pilipino ang sumasang-ayon na dapat magmiyembro muli sa International Criminal Court (ICC) ang Pilipinas. Ito ang lumabas sa surbey ng OCTA Research na gi­naw­a noong nakaraang Disyembre 2023. Ayon sa res­pondents, dapat lumahok ang Pilipinas sa ICC upang maisagawa ang imbestigasyon sa drug war ni dating President Rodrigo Duterte. Karamihan sa mga pabor na muling sumali sa ICC ang Pilipinas ay nagmula sa Balance Luzon na may 65 percent; Metro Manila, 50 percent; at Mindanao, 42 percent.

Pabor din ang karamihan sa mga Pilipino na mag­sagawa ng imbestigasyon ang ICC sa isinagawang­ drug campaign. Maraming nagsabi na dapat papa­su­kin sa  bansa ang ICC.

Kumalas ang Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019 sa kabila na isa ang bansa sa mga lumagda sa pagtatatag nito. Ang pagkalas ng Pilipinas ay nangyari habang mainit ang kampanya laban sa illegal drugs.

Sa war on drugs ng Duterte administration na nagsimula noong 2016, umabot sa 6,252 ang namatay. Ang masaklap, ang mga napatay ay napatunayang ino­­sente sa drug charges. Kabilang sa mga napatay ng pulis sa isinagawang drug operation ay mga inosenteng kabataan. Kabilang dito sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman. Si Kian ay sapilitang inaresto ng mga pulis sa Caloo­can City at saka walang awang binaril habang naka­luhod at nagmamakaawa. Si Arnaiz ay tinaniman ng droga saka pinatay. Si Kulot ay sinunog at natagpuan ang bangkay sa Nueva Ecija.

Nagbanta naman si Duterte na magkakabarilan kapag inaresto siya ng mga miyembro ng ICC. Hindi umano siya susuko. Kabilang din sa mga iimbestigahan ng ICC sa war on drugs ay si Sen. Bato dela Rosa, na nag-implement ng “Oplan Tokhang”. Sinabi ni Dela Rosa na walang karapatang mag-imbestiga ang ICC sapagkat gumagana ang batas sa bansa.

Naninindigan naman si President Ferdinand Marcos Jr. na hindi papapasukin sa bansa ang mga miyembro ng ICC. Noong nakaraang Disyembre 2023, kumalat ang balitang nakapasok na ang ICC sa bansa at nakapag-imbestiga na.

Ano ba ang ikatatakot sa ICC? Kung wala namang ginawang labag sa batas, bakit tutol mag-imbestiga ang ICC. Hayaan sila para malaman ang katotohanan. Mas mainam na bumalik sa pagiging miyembro ng ICC ang Pilipinas.

Habang tumututol sa pag-iimbestiga ng ICC, lalo namang tumitibay ang hinala na mayroon ngang nang­yaring pag-abuso at paglabag sa karapatang pantao.

vuukle comment

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with