^

PSN Opinyon

SCAM ALERT: ‘Anak ko may sakit, namatay!’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

LUMA na ang modus na love scam. Kuwidaw, napakarami pa ring nalilinlang ang mga dorobo sa likod nito.

Etong isa, hindi masasabing bago subalit dumarami ang gumagamit ng estilo. Ang kanilang mga paslit na anak na buhay na buhay pa, pinalalabas nang patay makahuthot lang ng pera.

Isang Singaporean taxi driver, lumapit sa #ipaBITAGmo. Mula pa Singapore ay sinadya ni “Simon” ang aking tanggapan.

Ang kanyang inirereklamo, ang Pinay na nakilala niya sa Singapore na nagngangalang Ruth Ann Manahan. Tinulungan daw siya ni Ruth noong ito’y nagtatrabaho sa Singapore nang muntik madulas ang matandang si Simon. Dahil sa kagandahang loob, itinuring daw ni Simon na kaanak si Ruth kung saan, Uncle na ang tawag sa kanya ng Pinay.

Umuwi raw ito ng Pinas dahil ang kanyang anak na paslit, may malubhang karamdaman. Dito nag-umpisang manghiram ng pera si Ruth kay Simon. Naniwala ang ma­tanda dahil panay ang padala ni Ruth ng litratong nasa ospital umano si Ruth at nagbabantay sa anak na sa ICU. Hanggang sa tuluyan daw binawian ng buhay ang bata.

Umabot ng P2-milyon ang nasabing utang. Pagdating ng singilan, nawalang parang bula si Ruth. Hindi na makontak, nagpalit na ng telepono’t social media.

Eto ang nagtulak sa dayuhang si Simon na lumipad pa-Pilipinas. Ang masaklap, natunton ng BITAG ang ina ng inirereklamong si Ruth. Wala raw anak na naospital at lalong walang anak na namatay si Ruth.

Kasalukuyan, nagpalabas ang BITAG ng All Points Bulletin kay Ruth Ann Manahan sa mga nakakakilala’t nakaaalam ng kanyang kinaroroonan. Hindi pa siya pinaghahanap ng batas subalit nagkaso na ang nagrereklamong Singaporean.

Layunin ng BITAG na makuha ang panig ni Ruth, ganundin ang magbigay ng babala sa iba pa. mapapanood sa BITAG Official YouTube Channel ang buong detalye.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with